250 - Mga Manggagapas ay Nasaan?

Mga manggagapas ay nasaan?
Ang lingkaw ninyo ngayo'y ikarit
Upang piliin sa karamihan
Ang mga mabuting inihasik.

REFRAIN

Ang manggagapas ay nasaan?
Halina't tumulong sa pagtitipon
Tumulong kayo na magbangan
Ng bungang ani ng Pangino'n.

Magsiyaon kayo sa bukiran
At hanapin ang mabuting hasik!
Pansirang damo'y matatayog man
Sikaping lahat ay maipanhik!

REFRAIN

Ang manggagapas ay nasaan?
Halina't tumulong sa pagtitipon
Tumulong kayo na magbangan
Ng bungang ani ng Pangino'n.

Hinog na ang bukirang malawak
At naghihintay ng mag-aani!
O! manggagapas, kayo'y gumayak
At matutukol na ang marami!

REFRAIN

Ang manggagapas ay nasaan?
Halina't tumulong sa pagtitipon
Tumulong kayo na magbangan
Ng bungang ani ng Pangino'n.

Hayo nang taglay ang inyong lingkaw
Gintong butil ng trigo'y anihin
Ang Panginoon natin pagdatal
Ang kaupaha'y inyong kakamtin!

REFRAIN

Ang manggagapas ay nasaan?
Halina't tumulong sa pagtitipon
Tumulong kayo na magbangan
Ng bungang ani ng Pangino'n.

0:00 0:00